Malacañang sa LGUs: Magpasa ng ordinansa na magpaparusa sa nagbebenta ng COVID vaccine at vaccination slot

Pinapayuhan ng Malacañang ang mga lokal na pamahalaan na magpasa rin ng ordinansa na magpaparusa sa mga mapapatunayang nagbebenta ng COVID-19 vaccine at vaccination slot.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng ulat ng umano ay bentahan ng vaccination slot, at bakuna sa Mandaluyong at San Juan city.

Matatandaan, na ang Mandaluyong Local Government at Metropolitan Manila Dvelopment Authority (MMDA), ay una nang dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ito. Habang ang Manila Local Government ay nagpasa na ng ordinansa para dito.

Ayon sa kalihim, mainam na magpasa rin ng ordinansa ang iba pang lokal na pamahalaan laban sa mga nagbebenta ng COVID vaccine at vaccination slot.

Sa ganitong paraan aniya, magkakaroon ng malinaw na legal na basehan upang parusahan ang mga mapapatunayang lalabag dito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.