Malacañang sa publiko: ‘wag pakinggan ang mga kritiko ng gobyerno, pinalalabas na napakalala ng sitwasyon ng bansa dahil sa pandemya

Nanawagan ang Palasyo sa publiko na huwag pakinggan ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na aniya’y pinalalabas na napakalala na nang kondisyon ng bansa dahil sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, totoong seryoso ang kondisyon sa kasalukuyang sitwasyon pero natutugunan naman aniya ito ng mga polisiyang ipinatutupad ng gobyerno.

Kung ikukumpara aniya sa ibang mga bansa, mas naging epektibo ani Roque ang mga inilatag na panuntunan ng pamahalaan dahilan upang hindi naman gayung kataas ang death rate ng Pilipinas hindi kagaya sa mga mayayamang bansa gaya ng Amerika at ibang mga nasa nasyon sa Europa.

Kung nakikita man aniya ang pagtaas sa kaso ng mga tinatamaan ng virus, karamihan naman sa mga ito ay asymptomatic at mild habang napakababa ng death rate.

Dagdag ni Roque na kung magbulag-bulagan at magbibingi-bingihan ang mga kritiko nang administrasyon ay hindi kataka-taka na hindi talaga malalaman ng mga ito kung ano-ano ang ginagawang pagtugon ng gobyerno laban sa pandemya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.