Mandatory re-education sa mga drivers bago maka-renew ng lisensya, ipinanukala ni Rep. Lorenz Defensor

Inihain ni Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor ang House Bill 3196 o Mandatory Re-education Program for All Motor Vehicles Drivers Act.

Sa ilalim nito, kinakailangan sumailalim muli sa mandatory re-education program ang lahat ng drivers license holders kada limang taon.

Layon nitong mabawasan hindi lang ang traffic ngunit maging ang mga road related accidents at death.

Ang bawat drivers license holder ay kinakailangan sumailalim sa hindi bababa na apat na oras na seminar tungkol sa traffic laws, road safety maging road discipline at anger management.

Sakaling maisabatas, target ni Defensor na kunin ang bahagi ng pondo sa Road User’s Tax pero hanggat maaari, nais niyang maging libre ang naturang seminar.

Pagbibigay-diin pa ng mambabatas na pinakamahalagang sumailalim sa seminar ang mga nagmamaneho ng pampublikong mga sasakyan dahil sila ang mga may pasahero.

sa unang taon nais ni Defensor na maunang sumalang sa seminar ang mga government officials at employees, sa susunod na taon naman ang mga non-professional drivers habang sa ikatlong taon ng implementasyon ang mga professional drivers.

Ang mga driver naman na sumailalim sa Driver’s Academy ng LTFRB ay ma-eexempt sa unang taon ng implementasyon ng panukalang batas.

Paglalahad pa ni Defensor na nitong Hulyo nang mag-expire ang kanyang lisensya at susubukan niyang maipasa agad ang batas upang siya mismo ang maging isa sa mga unang sasalang sa naturang seminar.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.