Mandatory use ng face shield sa mga work place at public transport, Ikinonsulta ng IATF sa mga eksperto

Dumaan sa kaukulang konsultasyon ang panibagong panuntunan na ipinatupad ng pamahalaan hinggil sa pagsusuot ng face shield.

Ayon kay Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases co- Chair Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang pasiya na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shields ay resulta ng konsultasyon sa mga eksperto gaya ng mga duktor at siyentipiko.

Sinabi ni Nograles na ipinakita sa kanila ng mga experts kasama na ang mga epidemiologists na 99 percent ang posibilidad na hindi mahawahan ang isang indibidwal kung naka- face shield habang naka – face mask at sasabayan pa ng social distancing.

Kaugnay nitoy sinabi pa ni Nograles na mababa sa kabilang banda ang protection level ng surgical face mask at cloth mask kung ikukumpara sa N95 mask na mataas ang naibibigay na proteksiyon.

Kaya nga pagbibigay diin ng kalihim, maigi talaga na gawing kumbinasyon na ang paggamit ng face mask at face shield gaya ng ipinatutupad na sa mga public transportation at workplace.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.