Manila Bay, dinadayo na rin ng mga foreigner at nag-aabang sa paglubog ng araw

Malaki na ang pinagbago ng Manila Bay mula nang simulan ang malawakang clean-up drive sa Manila Bay at nabawasan na ang mga basura dito.

Dinadayo na rin ng mga foreigner para masaksihan ang paglubog ng araw.

Panoorin ang video ng isang babaeng foreigner nang makitang malinis na ang Manila Bay.

Kamakailan ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay DENR Sec Cimatu at DILG Año na linisin ang Manila Bay. Binabalaan din niya ang mga hotel malapit sa Manila Bay upang matiyak na mayroon silang sariling mga pasilidad sa paggamot ng tubig para sa tamang pagtatapon ng basura.

Noong nakaraang Linggo libu-libong boluntaryo ang nagtipon-tipon mula sa Quirino Grandstand sa Maynila para sa isang solidarity walk upang ipahiwatig ang pagsisimula ng mga pagsisikap sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ang mga netizens ay nagbabahagi sa iba’t ibang mga platform ng social media ng ilang mga larawan ng isang cleaner, mas “photogenic” Manila Bay. Isa ring binabanggit ito ng “mahiwagang pagbabagong-anyo.”

Naniniwala ang Malacañang na natutuwa ang Pangulong Rodrigo Duterte sa itinatakbo ng ginagawang rehabilitasyon sa kasalukuyan ng Manila Bay.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na bagama’t hindi pa sila nagkakausap ng Pangulo tungkol dito, kumbinsido aniya siyang kuntento ang Presidente sa development ng ginagawang paglilinis sa look ng Maynila.

Nakakamit naman aniya ang objective kasunod ng naging direktiba ng Chief Executive sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na linisin ang Manila Bay.

Sa harap nito’y sinabi ni Panelo na walang sinuman ang dapat na mabigyan ng partikular na recognition o pagkilala kundi ang lahat na nagtulong-tulong para maayos ang Manila Bay.

Anim na araw ang nakararaan nang ilunsad ang “Battle for Manila Bay” na ang target ay hindi lamang paigtingin ang clean up activities kundi i-relocate din ang illegal settlers.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.