Manila Today Editor Icy Salem, inaresto ng CIDG

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection National Capital Region Police Office ang editor ng pahayagang Manila Today matapos madiskubre ang ilang mga armas, bala at subersibong dokumento na nasa pangangalaga umano nito. 

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and explosive at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law ang suspek na si Lady Ann Salem na hinuli ng mgaa pulis sa kanyang tinutuluyang condo sa Unit 617 Avida Towers, Edsa corner Relliance St. Mandaluyong City. 

Si Salem ay nagtatrabaho sa Alternative Media Community at isa sa Founding Members ng  Altermidya Network, kung saan siya ay nagtapos  mula sa  UP College of Mass Communication at kasama sa  Lopez Jaena Community Journalism Workshop. 

Siya rin ay Board Member ng Tudla Productions at kasalukuyang  communication officer ng  International Association of Women in Radio & Television  o IAWRT at dating opisyal din ng  Metro Manila chapter ng  National Union of Journalists of the Philippines o NUJP.

Matatandaan na ang Manila Today at Tudla Production ay kabilang sa miyembro ng  Altermidya Network na naired-tag  ng  National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Nakuha sa suspek ang apat na caliber 45 pistol at magazine nito, apat na granada, dalawaput sjyam na round ng caliber 45 ammunition, tatlong pirasong laptop, tatlong pirasong external hard drives, walong cellphone, limang sling bags, USB at apat na ibat-ibang uri ng ID. 

Ang pag-aresto kay Salem ay bunsod na rin ng search warrant na inilabas ni Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng Quezon City RTC Branch 89.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.