Maria Ressa hindi nakalusot at binara ng foreign journalist

Tinapatan ng mga mabibigat na katanungan si Rappler CEO Maria Angelita Ressa ng BBC journalist na si Stephen Sackur sa kanyang programa na ‘HARDTalk’.

Sa 24-minute interview kay Ressa, tinanong ni Sackur kung totoo bang patay na ang freedom of expression sa Pilipinas gayong kahit guilty ang verdict kay Ressa sa cyberlibel ay nakakapag-operate pa rin ang Rappler, gayundin ang iba pang media.

“There is no doubt that it’s just not you that suffered from repressive tactics coming from government agencies. But nonetheless, the notion that all sorts of freedom of expression are now curtailed and eliminated in the Philippines surely isn’t right,” giit ni Sackur.

“If you look at your country today, there is still multitude of diverse opinion across the spectrum of politics in different platforms of media… after all, your website hasn’t been shut down, it continued to this day. The Philippines is not North Korea, nothing alike,” aniya pa.

Naitanong pa ni Sackur kay Ressa kung sa tingin ba nito ay may pakialam ang mga Pilipino sa kung anong kakahinatnan niya dahil sa kasong sinampa laban sa kanya.

Binase din ng BBC journalist na tila taliwas ang sinasabi ni Ressa tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil base sa Social Weather Station survey ay laging above 80 percent ang approval rating nito sa masa, na aniya’y hindi nakukuha ng ibang mga global leader.

Nanghingi din ng ebidensya si Sackur sa mga sinasabing datos ni Ressa tungkol sa pagpatay sa bansa, dahil ayon naman umano sa SWS survey ay aprub naman sa mga Pilipino ang laban kontra iligal na droga na kampanya ng Pangulo.

“Everything you say about what Duterte is doing is not deterring a really big majority of Filipinos from giving him their backing,” giit ni Sackur.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.