Mas mataas na budget ng Office of the Vice President hirit ng ilang mambabatas

Upang mas marami pang matulungan partikular na ang mga nangangailangan ngayon panahon ng pandemic, isinusulong ng mga mambabatas na madagdagan ang 2021 budget ng Office of the Vice President.

Sa budget deliberation ng Kamara sa 2021 budget ng OVP iginiit ni Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado na lubhang maliit ang P679M na budget na inaprubahan ng Department of Budget and Management para sa OVP.

Mababa ito sa P720M na hinihilingsana ng OVP at mas mababa pa rin sa 2020 budget ng tanggapan na nasa P699M.

“There is a need to “recalibrate” the proposed budget of the OVP especially that it has many projects targeting those who are affected by the COVID-19 pandemic. It has been engaging in frontline activities against COVID-19. It has also launched livelihood, education, people empowerment, and other projects throughout the country, but still, its budget is still the smallest in the entire bureaucracy,” giit ni Bordado.

Para kay Cagayan De Oro City Rep Rufus Rodriguez nararapat pa nga na taasan ng 10% ang OVP budget.

“I believe we should restore the budget of the Vice President by P41 million to make it back to P720 million plus I believe that we should not only give P720 million to the Vice President’s office but I believe that we should increase it.

“I would like to suggest or move in some future time that we give at least 10 percent increase in the budget of the Vice President or another P72 million,” paliwanag ni Rodriguez.

Giit naman ni Baguio City Rep Mark Go na kahit doblehin pa nga ang budget ng OVP ay dapat na gawin.

“Kung pwedeng gawin nating doble ang budget ng OVP, lalo siyang makakatulong sa ating bansa kung bibigyan natin ng sapat na pondo,” pagayag ni Go.

Ikinatuwa ni Vice President Leni Robredo ang suporta ng mga mambabatas kung saan mas marami umano ang matutulungan kung maitataas ang kanilang pondo.

“We will be very much honored if our budget will be increased. As I’ve said, we have been so used to making do with what we have but an increased budget will allow us to do more things with the little that will be given to us. So it is very, very much appreciated,” paliwanag ni Robredo.

Ang budget ng OVP ay tatalakayin naman sa House Plenary.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.