Mas matatag na bilateral relations laban sa COVID-19, tiniyak ng Pilipinas at Vietnam

Pinagtibay ng Pilipinas at Vietnam ang bilateral relations nito sa isa’t isa, at maging ang regional cooperation laban sa COVID-19.

Sa naganap na phone call sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc kagabi, tiniyak ang mobilisasyon ng mga ASEAN mechanisms para sa critical medical supplies at equipment na kakailanganin sa gitna ng COVID pandemic.

Nagpaabot naman ng pagbati si Pangulong Duterte sa Vietnamese leader dahil sa epektibo nilang pagtugon sa COVID cases sa kanilang bansa. Habang pinapurihan rin nito ang komprehensibong aksyon ng Pilipinas laban sa virus.

Sa naging pag-uusap ng dalawang lider, tiniyak rin ng Vietnamese Prime Minister ang long-term supply ng bigas para sa Pilipinas, na siya namang ipinagpasalamat ni Pangulong Duterte.

Habang kapwa pinagtibay rin ng dalawang bansa ang kanilang commitment para sa kapayapaan, security at stability sa South China Sea.(RP)

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.