Mas matibay na pabahay ordinance, pirmado na ni Mayor Isko Moreno

Nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang ordinansa na magpapalakas sa mga proyektong pabahay ng lokal na pamahalaang lungsod para sa mga pamilyang Manilenyo na walang permanenteng tahanan sa lungsod sa gitna ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19.

Ito ang Ordinance No. 8730 o ang “Manila Urban Housing Ordinance in order to provide adequate and affordable shelter facilities to Manilenos, giving due priority to the homeless and underprivileged.”

Ang nasabing ordinansa ay magbibigay ng sapat at abot-kayang mga pasilidad na pabahay para sa mga Manilenyo na nagbibigay ng angkop na prayoridad para sa mga walang tirahan at mga mahihirap.

Layon ng nasabing proyekto na magbigay ng vertical and horizontal housing para sa mga nangungupahan at informal settlers sa lungsod ng Maynila at land acquisition na kahanay ng land of the landless program ng pamahalaan.

Matatandaang nangako si Moreno na bibigyan din ng prayoridad ang kabuhayan ng mga Manilenyo habang tinutugunan din ang problema sa pandemya dulot ng COVID-19.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.