Mayor Isko, 5 barangay chairman ng Maynila suspendido ng 6 na buwan

Sinuspinde ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng 6 na buwan na walang bayad ang 5 barangay chairman sa lungsod.

Ito ay dahil sa iba’t ibang paglabag gaya ng serious dishonesty, abuse of authority, at grave misconduct.

Ngayong Lunes nang lagdaan ni Domagoso ang memoranda laban sa 5 officials at pagpatutupad sa suspension order na inisyu ng Office of the Ombudsman.

Kinilala ang mga sinuspendeng chairman na sina Mario Banal ng Barangay 123, Leonard Recto ng Barangay 11, Romeo Garcia ng Barangay 449, Jonas Bartolome ng Barangay 418, at Niño Anthony Magno ng Barangay 283.

Sinabi ng Manila public information office (PIO) na ang first ranking barangay councilors ng nasabing mga punong barangay ang uupo bilang acting barangay heads.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.