Mayor Isko, aprubado na ang planong pabahay sa mga Manilenyo

Aprubado na ng Manila City government ang local shelter plan para sa mga mahihirap na pamilya na nasa ‘critical zone’.

Kasabay ng pananalasa ng malalakas na bagyo, inaprubahan na ng Manila City Council ang planong galing sa local Urban Settlements Office.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, layunin nitong tiyakin na magkaroon ng desente, affordable, at ligtas na pabahay ang mga mahihirap na Manilenyo.

Naiintindihan aniya ni Mayor Isko ang halaga ng pagkakaroon ng maayos na bahay dahil siya ay minsan na ring namuhay bilang ‘informal settler’.

Sinabi ni Manila Urban Settlements Office Chief Atty. Cris Fernandez, balak nilang magkaroon ng bahay ang higit 14,000 households hanggang taong 2025.

Kabilang aniya rito ang mga pamilya na nakatira sa mga lugar na may ‘pending demolition order’ mula 2020 hanggang 2025.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.