Mayor Isko at ilang fastfood chain, nagkasundo para mabigyan ng trabaho ang mga senior citizen at PWDs sa Maynila

Manila Mayor Isko Moreno at mga pinuno ng mga fastfood chains, pumirma sa isang memorandum of agreement (MOA) na magbibigay ng trabaho sa mga senior citizen at PWDs sa Maynila.

Pumirma sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama ang mga pinuno ng fastfood companies ng Jollibee, Chowking, Mang Inasal, at Greenwich sa isang MOA kung saan bibigyang prayoridad ng mga fastfood chain ang pag-hire o pagtanggap sa mga kwalipikadong senior citizen at PWDs bilang kanilang manggagawa sa lungsod.

Sa ilalim ng nasabing MOA, maaaring matanggap sa trabaho ang mga senior citizen at PWDs kung meron silang medical certificatioon na nagsasabing fit to work o may kapasidad ang mga ito na magtrabaho. Dalawang senior citizens at isang PWD ang iha-hire sa bawat branch ng mga nasabing fastfood chain.

Maaaring kumita ang isang senior citizen ng P5,000 kada buwan at kailangan lamang magtrabaho ng apat na oras kada araw, habang mahigit P10,000 ang maaaring kita ng PWDs kada buwan.

Ayon kay Mayor Isko, kailangan magkaroon ng pantay na oportunidad sa mga senior citizen at PWDs lalo na sa paghahanap ng trabaho. Dagdag pa ng alkalde ay hanggat may kakayanan ang mga ito na magtrabaho ay dapat bigyan sila ng trabaho.

Kaugnay nito ay pinayuhan ni Mayor Isko ang mga senior citizen at PWDs na pagbutihin ang trabaho at huwag sayangin ang oportunidad na ibinigay ng mga fastfood chain companies.

Magsisimula ang hiring ng mga fastfood chain companies sa susunod na linggo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.