Mayor Isko: Mga sementeryo sa Maynila, pansamantalang isasara sa undas

Pansamantalang isasara ang lahat ng sementeryo sa Lungsod ng Maynila mula sa Oktubre 31 hanggang sa Nobyembre 3, 2020.

Batay ito sa Executive Order No. 38 na nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Moreno, layunin ng pagsasara na maiwasan ang mass gathering ng mga tao sa All Saints Day at All Souls Day, Nobyembre 1 at 2.

Sinabi ng Alkalde na maagang isinagawa ang anunsyo para mabigyan ang publiko ng maraming oras na maghanda at bumisita sa sementeryo sa kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay bago ang nasabing mga petsa.

Pinirmahan po natin ngayong araw ang Executive Order No. 38 kung saan ipinag-uutos po natin ang pansamantalang pagsasara ng lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo mula October 31 hanggang November 3.

Aniya, “Kaya ko po ito ginagawa ngayon, para mabigyan kayo ng sapat na panahon ng humigit kumulang dalawang buwan na mabisita ang inyong mga mahal sa buhay na nahimilay sa mga pribado at pampublikong sementeryo.”

Patawarin niyo po ako kung sakaling masasaktan ko ang inyong damdamin na hindi makita ang inyong mga mahal sa buhay sa partikular na panahon na iyon. Inagapan namin na makabisita po kayo sa panahon ngayon.

Tayo po ay nasa GCQ. Ibig sabihin, may mga panahon, mga araw, oras na hindi natin kailangan magsiksikan, magpahirapan sa pila, na mabisita ang mga mahal sa buhay sa kani-kanilang mga pribadong sementeryo o kolumbaryo, o sa mga pampublikong sementeryo.

Kaugnay nito, hiningi rin ng alkalde ang pang-unawa ng mga Manileño at sinabing para rin sa kanilang kaligtasan ang nsabing kautusan.

Hinihingi ko po ang inyong pang-unawa. Ito na rin ay para sa inyong kaligtasan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.