Mayor Isko Moreno, hiniling ang one-strike policy sa hindi susunod ng mga utos ng LGU

Hiniling ngayon ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga mambabatas na ikunsidera ang paggawa ng batas na magpaparusa sa mga barangay official at pulis na hindi agad susunod sa utos ng kanilang lokal na pamahalaan o ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

watch the video here:

Sinabi ito ni Moreno sa naging briefing ng Senate Committee on Local Government.

Dito ay partikular na tinalakay ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang mga nakaharang sa mga kalsada at sagabal sa daloy ng trapiko.

Ayon kay Moreno, mahalaga ang papel ng mga opisyal ng barangay at ng pulis sa pagiging consistent sa ginagawa nilang clearing operations.

Kaya naman panawagan ni Moreno sa mga senador, gumawa ng batas na magsususpinde sa mga opisyal ng barangay kahit sa unang beses pa lamang nilang hindi pagsunod sa utos.

Suspensyon o demotion naman ang iminumungkahi ng alkalde para naman sa mga pulis na hindi susunod.

Sinang-ayunan naman ito ni DILG Secretary Eduardo Año.

Giit ng kalihim, pabor siya dito upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang ginagawa nilang paglilinis.

Dapat rin aniyang magsimula ito sa mga local chief executives.

Bagamat maaari naman itong isama sa memorandum circular na nilabas ng DILG, mas mainam pa rin aniyang i-institutionalize ang parusang ito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.