Mayor Isko Moreno, kinondena ang patuloy na bandalismo sa iba’t ibang lugar sa Maynila

Hindi na natutuwa si Manila Mayor Isko Moreno sa mga taong patuloy na gumagawa ng bandalismo sa kabila ng mga pagsisikap ng pamahalaang lungsod na linisin at pinturahan ang iba’t ibang lugar sa Maynila.

Photo by Manila Public Information Office

Ito ay matapos kumalat sa social media mga larawan na nagpapakita ng bandalismo sa mga bagong linis at bagong pintura na mga lugar sa lungsod.

Babala ni Mayor Isko, sa oras na mahuli nila ang mga may kagagawan sa bandalismo ay ipapadila nya ito sa kanila.

“Kapag nahuli ko kayo, ipadidila ko sa inyo ito.”

Ito ang banta ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga militanteng may kagagawan ng bandalismo sa Lagusnilad Underpass.

Katatapos lamang ng pagpinta ng underpass nang dumihan ito ng mga militante kahapon.

Ito ay malinaw na paglabag ng Ordinance No. 7971 o tinatawag na “Anti-Vandalism Law of 1999.”

Sa kabilang banda ay kinumpirma ni Al Omaga, Anakbayan Media Liaison, na ang kanilang Art Group na Panday Sining ang nasa likod ng pagpipintura sa ibat ibang lugar sa Maynila, depensa ni Omaga, isa umano itong “Art Protest” o protesta na idinaan sa mga sining.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.