Mayor Isko Moreno, May libreng tablet para sa mga mahihirap na studyante ng UDM

Naghandog si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna ng may 1,010 piraso ng Samsung Galaxy Tab A tablets na ipamamahagi sa pinakamahihirap na estudyante sa Universidad de Manila.

Itinurn-over ni Domagoso ang mga nasabing gadget kay UdM President Malou Tiquia kung saan sila na ang bahalang mamili kung sino ang mga karapat dapat na mga estudyante na mabibigyan nito.

Ayon kay Domagoso, nagmula sa kanyang pagmomodel ang kanyang ipinambili sa mga nasabing gadgets kung saan nasa P8.8 milyon ang kanyang talent fee dito. Kabilang sa mga kompanya na kanyang inendorso ay ang Chooks to Go, Power tools, I am world coffee, Fruitas, Cosmic technologies incorporated, at Better option pharmaceutical.

“Alam ko ang hirap na dinaranas ng mga mag-aaral, lalo na mga mahihirap na nasa public schools. Kaya’t inihahandog po namin ito ni Vice Mayor Honey Lacuna sa mga poorest of the poor na mag-aaral ng UdM.” ani Domagoso.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.