Mayor Isko Moreno nagbukas ng free drive-thru covid-19 testing center

Nagbukas ng sariling drive-thru coronavirus testing center ang Manila City government.

Matatagpuan ito sa harap ng Andres Bonifacio Monument, na layong mapalakas ang mass testing.

“It will be made available to anybody, free of charge. We want to be inclusive with our approach… This is our little share in aligning ourselves, fighting together,” pahayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Hinikayat ng alkalde ang lahat na magpa-test para sa COVID-19 lalo na iyong nakararanas ng minor symptoms.

Mamanduhan ito ng Manila Health Department mula Lunes hanggang Biyernes ng alas-10 ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Kukunan ng blood samples ang sinumang nais magpa-test.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.