Mayor Isko Moreno, nanawagan sa iba’t ibang LGU, publiko na makiisa vs. COVID-19

Naniniwala si Manila Mayor Isko Moreno na malaki ang maitutulong ng mga local government units (LGUs) sa laban kontra COVID-19.

Ayon kay Yorme, sa parte ng Manila LGU, ay nakapagtabi na sila ng P200-million pesos para sa pambili ng bakuna sakaling maging available na ito sa publiko.

Ito aniya ay bilang suporta sa plano ng national governtment na makapagpundar ng bakuna para sa mga Pilipino.

Dagdag pa ni Moreno, kung ang lahat ng LGU sa buong Pilipinas ay makikiisa at gagawa ng kani-kanilang hakbang para sa COVID ay hindi na ito magiging isipin pa para sa gobyernong nasyonal.

Malaki rin aniya ang maitutilong ng publiko kung ang mga ito ay magkakaroon ng self discipline at susunod sa mga polisiya ng pamahalaan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.