Mayor Isko Moreno pormal na inilunsad ang Musical Dancing Fountain na nagpatingkad lalo sa Maynila

 Pinasinayaan na ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang Musical Dancing Fountain sa Bonifacio Shrine ngayong Miyerkoles ng gabi.

Sinaksihan din naman ito ng ilang mga opisyal ng Manila City Hall, mga City Councilors at ni Vice Mayor Honey Lacuna.

Naging makulay ang gabi dahil sa makulay na dancing fountain kung saan idinisenyo ito sa pambansang watawat.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng alkalde na walang inilabas na pondo ang pamahalang lungsod ng Maynila o ni singkong duling aniya ay walang ginastos ang mga Manilenyo para sa paggawa ng fountain.

Ito aniya ay sa tulong ng ilang pribadong kumpanya na nagbigay ng malaking suporta upang maisakatuparan ang pagbuhay at pagpapaganda sa Kartilya ng Katipunan.

Ang inagurasyon ayon pa kay Domagoso ay bahagi na rin ng pagsalubong sa Araw ng mga Puso o Valentine’s Day.

Bukod sa Musical Dancing Fountain, inanyayahan din ng alkalde ang publiko na mamasyal sa Fort Santiago sa Intramuros gayundin sa Metropolitan na malapit na ring buksan sa publiko sa buwan ng Mayo 2020.

Ito ay  isang simpleng bagay  lang na kung saan kahit na anong kinakaharap ninyong suliranin , ng inyong  pamahalaang lungsod ay makapagbigay  man lamang ng kaunting ngiti sa inyong mga labi ‘ pahayag pa ng alkalde.

Ang Musical Dancing Fountain ay magsisimula alas 6:30 ng gabi hanggang alas 11:30 ng kada-gabi kung saan kada oras ay may 15 minuto lamang magtatagal ang palabas.

Labis din ikinagalak ng alkalde ang nasabing proyekto dahil marami aniyang nabigyan ng kaligayan na aniya ay ‘priceless’  tulad ng isang musmos na natuwa sa kagandahan ng fountain nang ito aniya ay tinetesting pa lamang.

Sinabi pa ng alkalde na pikit nirevive ang Kartilya dahil dati aniyang ihian at dumihan ang lugar na labis na napabayaan gayung katabi lamang ito ng Manila City Hall.

Kaya naman sa pagkakataong ito, pinasalamatan ng alkalde ang lahat ng tumulong upang maging maayos, malinis at lalo pang gumanda ang  Bonifacio Shrine.

‘ Unti-unti , unti -unti sa awa ng dios, sa tulong ninyo, muli ang Manila will be vibrant again’ . ayon pa sa alaklde.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.