Mayor Isko, nag-thank you kay PRRD

Pinasalamatan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng liderato rin ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. dahil sa Maynila ginawa ang kauna-unahang pagbabakuna laban sa COVID-19.

Ikinatuwa rin ng alkalde dahil sa Philippine General Hospital (PGH) na sentro ng good quality public health care sa ating bansa, ginawa ang vaccination rollout.

Aniya ang liderato ng PGH ay nagbibigay inspirasyon para sa pamahalaang lungsod kung saan namuno sa pagbabakuna si PGH Director Gap Legaspi.

Sa pamamagitan aniya nito, naniniwala ang alkalde na makakatulong ito para sa kapwa Manilenyo na magdesisyon sa susunod na araw .

Ito rin aniya ay makatutulong upang maibsan ang pag-aalala at pang-unawa ng publiko hinggil sa bakuna na Sinovac.

Pinaalala naman ni Moreno sa mga health workers ng PGH na kulang ang suplay sa buong mundo, kaya huwag nang sayangin ang oportunidad na mabakunahan upang madagdagan ang panlaban sa katawan sakaling magkaroon ng infection.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.