Mayor Isko nagbanta: Mga barangay na magpapabaya sa GCQ, ilo-lockdown!

Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga barangay na nasasakupan na hindi ito magdadalawang-isip na isailalim sa “lockdown” ang kanilang lugar sa oras na isawalang bahala nila ang ipinapatupad na quarantine protocol ng gobyerno hinggil sa umiiral na General Community Quarantine (GCQ).

“I will not hesitate na ang mga area or barangay na magpapabaya, papapabayan itong situwasyon. I can lockdown anytime,” ani Domagoso.

Ipinahayag ng alkalde ang kanyang babala sa kasagsagan ng paghahanda ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa paglipat sa GCQ mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa darating na Lunes (Hunyo 1).

Matatandaan na isinailalim sa hard lockdown ng lokal na pamahalaan ang Tondo 1 at Sampaloc dahil sa mataas na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Batay sa datos ng Manila Health Department nito lamang Biyernes, umabot na sa kabuuang 236 aktibong kaso ng COVID-19 ang Tondo 1 habang nasa 108 kaso sa Sampaloc.

“Ngayon, mas maingat kami at mas responsibleng gobyerno ang mararamdanan nila, at umaasa ang gobyerno na mas responsableng mamamayan sila,” dagdag pa ni Domagoso.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.