Mayor Isko, naniniwalang dapat nang paghandaan ang Simbang Gabi

May panawagan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga lider ng Simbahang Katolika na gumawa na ng plano para sa darating na “Simbang Gabi” sa darating na December 16.

Ayon kay Yorme, nararapat lamang umano na maaga pa lamang ay maglatag na ng mga hakbang ang mga lider ng Simbahan kung paano magiging ligtas at maayos na maidaraos ang tradisyon ng mga Katoliko sa bansa na Simbang Gabi ngayong panahon ng Kapaskuhan sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19.

Taon-taon ay pinakaaabangan ang Simbang Gabi na ginagawa tuwing Disyembre, ngunit iba aniya ang magiging sitwasyon ngayon dahil sa pandemya.

Dagdag pa ng alkalde, handa ang lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan at makipag-usap sa mga church official upang maisaayos ang mga kailangang gawin para sa Simbang Gabi at hindi masakripisyo ang kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.