Mayor Isko P5 Milyong Talent Fee dinonate sa mga biktima ng lindol sa Cotabato

Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na umabot sa P5 milyong halaga ng kanyang talent fee sa kanyang pagmomodelo ang kanyang direktang idinonate sa mga biktima ng lindol sa Cotabato.

Sa kanyang capital report, sinabi ng alkalde na  ipinangalan ang tseke na kabayaran ng kanyang mga talent fee sa Provincial Government  of Cotabato upang agad din itong maipagkaloob sa nasabing probinsya. 


Ayon sa alklade, ang halagang P3 milyon ay mula sa kanyang pagmomodelo ng C-Lium ng Pascual Laboratories habang ang P2 milyon pa ay mula naman sa Belo Medical Group.

Mensahe naman ni Moreno kay Gov. Lala Mendoza ng Cotabato na  ramdam  nito ang hirap ngayon na pinagdadaanan nilang suliranin matapos yanigin ng lindol ang ka ilang probinsya.


Aniya sa mga opisyal ng gobyerno sa Cotabato, mayroon silang kapwa taga gobyerno  na nakakaunawa sa  kanilang katatayuan at mayroon ding mga kababayan dito sa lungsod ng Maynila na nakiiisa, hindi man pera ang maipagkaloob ngunit panalangin upang makarecover ang mga naapektuhan ng lindol.


“Kayo diyan sa Mindanao na nanonood na mga kababayan natin, nalulungkot kami at nakikiramay sa Provincial Government ng Cotabato at sa lahat ng sinasakop na bayan ng Cotabato at lahat ng tinamaan ng lindol diyan sa Mindanao”.


“Sa mga kababayan namin dyan sa Cotabato gusto namin iparamdam sa inyo na hindi kayo nag-iisa sa nangyayaring ngayon, kami sa Lungsod ng Maynila ay nagkakaisa at ang inyong lingkod ho ay nakaisip na mapaparaan, as usual nag-model ako para sa taumbayan” pahayag pa ng alkalde.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.