Mayor Isko pinadedeport ang 2 Chinese na may-ari ng hair beauty product of Manila as “Province of China”

Sarado na, deported pa!

Ito ang kahahantungan ng dalawang chinese nationals na tinuturong nasa likod ng produktong may branding na “Manila province of China” sa packaging nito.

Sa ginawang FB live ni Manila Mayor Isko Moreno,  sinabi nito na hindi katanggap-tanggap ang nasabing branding sa naturang produkto.

Dahil dito ay sumulat na aniya siya sa Bureau of Immigration para ipa-deport ang dalawang chinese nationals na nag-ooperate ng negosyo sa isang bahagi ng Binondo Maynila.

Kinilala ang mga ito na sina Shi Zhong Xing at Shi Li Li.

Sinabi ni Moreno, na hindi niya hahayaan ang mga superpower pinipitik-pitik lang ang mga Pilipino at binabalewala ng mga ito ang sobereniya ng bansa.

Aniya, ang Maynila ang kapitolyo ng bansa, hindi ito probinsya ng China; at ni minsan, hindi ito naging bahagi ng Tsina sa anumang lathalain o kasaysayan na naitala sa panahon ngayon at panahon ng ating mga ninuno.

Matatandaan matapos mapuna ng isang mambabatas ang naturang branding sa nasabing produkto, ay agad nitong inatasan ang Bureau of Permits na ipasara ang establisyemento at i-revoke ang permit to operate at maging ang mayor’s permit.

Napag-alaman kasi na maliban sa naturang branding ay nakitaan din ito ng paglabag sa rules and regulations ng Food and Drug Administration (FDA), gaya ng hindi paglalagay ng “batch/lot number” at “name and address ng kumpantya o tao na responsible sa naturang produkto… na isang kaso ng misinformation ayon sa Manila Bureau of Permits.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.