Mayor Isko sa mga puneraryang papayag na magkaroon ng inuman sa lamayan, babawian ng business permit

Tanggal business Permit!

Ito ang naging babala ni Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng punerarya sa Lungsod ng Maynila sa oras na mahuli ang mga ito na pinahihintulutan nito ang inuman sa lamay.

Inatasan ng alkalde si Bureau of Permit Director Levi Facundo na abisuhan ang mga may-ari ng punerarya sa Maynila na huwag payagan ang inuman sa kanilang pinagbuburulan alinsunod na rin sa ipinatutupad na City Ordinance No. 5555 (Drinking in Public Place).

Nagbabala rin ang alkalde sa mga opisyal ng Manila Police District (MPD) na oras na umikot siya sa lungsod at may naaktuhang may umiinom sa pampublikong lugar, ipasisibak niya ang station commander at PCP commander o outpost commander na nakasasakop nito.

Aniya, dapat mahigpit na ipatupad ang nasabing ordinansa at hindi dahilan ang patay o birthday upang uminom sa mga pampublikong lugar.

Isa sa mga dahilan ng pagkalat ng sakit na COVID ang pagtalsik ng laway na posibleng mangyari kapag nag-iinuman, nagpupulutan, at nagkakakwentuhan ang mga tomador sa kalye.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.