Mayor Isko siguradong tatakbo sa 2022 elections

Nagpahayag si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tatakbo siya sa darating na 2022 election.
Sa panayam kay Domagoso, tiniyak nito na tatakbo siyang muli sa darating na 2022 election ngunit sa ngayon ay wala pa umano siyang napagdedesisyunan kung anong pwesto ang kanyang tatakbuhin.


Aniya, abala umano siya bilang Alkalde ng lungsod kung saan may kinakaharap siyang obligasyon sa mga Manilenyo.
“Busy ako sa pagka-mayor, may obligasyon ako sa mga taga-Maynila. I would rather focus on that until the last day na magdedesisyon ako and I’m going to be fair with our people. I’m going to be honest with our people, magpapaalam ako sa kanila.” ani Domagoso.

Aminado naman si Domagoso na kinilig umano siya sa mga pahayag na isa siya sa pinagpipilian para sa darating na halalan sa susunod na taon ngunit iginiit niya na siya lamang ang magpapasya nito at hindi niya kailangan pa na i-endorso siya ng sinoman o anumang grupo.

“If and if I’m going to decide, I’m going to decide on my own. I don’t want to be part of divisiveness. I don’t want to be divisive kasi masyadong, polarized. If I’m going to run, I will try to make sure to unify everybody, whatever colors they got,” paliwanag ni Yorme.

Matatandaan na sa mga isinagawang survey para sa darating na 2022 election ay maganda ang pwesto ni Domagoso lalo na sa pagka-bise Presidente ng bansa. Isa rin si Domagoso na posibleng maging pambato bilang kandidato ng 1SAMBAYAN coalition.

Nito nga lamang Huwebes ay sinabi sa Palasyo na kabilang si Yorme Isko sa listahan ng mga pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte upang pumalit sa kanyang pwesto.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.