Mayor Isko, tumangging miyembro ng NPA

Yorme, tumangging miyembro ng NPA
By Lorenz Tanjoco – October 7, 2021 , 5:44 pm
Itinanggi ni Manila Mayor Isko Moreno na siya ay miyembro ng New People’s Army (NPA), na isang kilalang communist terror group sa bansa.

Paliwanag ni Moreno, ang mga larawan kung saan kasama niya si Communist Party of Philippines Founding Chair Jose Ma. Sison, na naglalabasan sa social media ay gustong papaniwalain ang netizens na siya ay coddler o nagkakanlong ng NPA.

Aniya, inappoint siya ni Pangulong Rodrigo Duterte para makilahok sa peace talks at dun siya naging observer sa mga usaping pang kapayapaan, sa Oslo at Netherlands, kung saan nakilala niya si Sison at ibang mga militar.

Sa pakikinig at pagmamasid, sinabi ni Moreno na marami siyang natutunan sa kahalagahan ng kapayapaan.

Nanawagan si Moreno sa lahat na nagpipilit at gumagawa ng paraan para iugnay siya sa mga komunista, na matakot sa buwelta ng kanilang ginagawa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.