Mayor Joy Belmonte, nagkaloob ng 176,000 na libreng tablet sa mga estudyante ng QC

Namigay na ng libreng tablet si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa libu-libong mga estudyante ng lungsod para sa nalalapit na pagsisimula ng klase ngayong Oktubre. 

Umaabot sa 176,000 na piraso ng mga gadget ang itinurn over ni Mayor Belmonte sa Department of Education (DepEd) Division Office ng Quezon City na siyang idedeliver ng mga guro sa mga estudyante ng lungsod.

Ayon kay Belmonte, walang mga bata sa lungsod ang hindi maaaring makapag-aral sa panahon ng pandemya dahil ang pamahalaang lokal umano ang sasagot ng mga kakailanganing gamit ng mga estudyante. 

Ibubuhos din daw ng QC LGU ang lahat ng suporta sa DepEd upang makapagpatuloy ng pag-aaral ang mga estudyante. 

Kasama ng alkalde ang kanyang Vice Mayor na si Gian Sotto at mga myembro ng Sangguniang Panglungsod ng ipagkaloob ang mga gadgets. 

Bukod sa mga gadgets, nagbigay din ang QC LGU ng mga bond papers at modular learning materials upang makadagdag sa mga magagamit ng mga estudyante. 

Nakagawian na rin ng pamahalaang lokal ang pagbibigay ng allowance sa mga guro sa lungsod bilang suporta sa dedikasyon ng mga ito sa kanilang properyon. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.