Mayor Joy Belmonte, Ok na ipangalan ang Roosevelt Avenue kay FPJ

Suportado ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang inihaing panukalang batas na magpapalit ng pangalan ng Roosevelt Avenue sa National Artist Fernando Poe Jr.

“The Senate President’s suggestion to rename Roosevelt Avenue after the late action king more popularly known as FPJ is a welcome development and a win-win solution for everyone concerned,” saad ng alkalde sa isang pahayag.

Matatandaang unang inihain ni Senator Lito Lapid na ipangalan kay FPJ ang Del Monte Avenue kung saan nakatayo ang film company nito.

Inimungkahi naman ni Senate President Vicente Sotto III na ang Roosevelt Avenue ang dapat ipangalan kay FPJ dahil dito lumaki ang national artist.

Nagpahayag naman ng magtutol ang ilang mga grupo kasama ang National Historical Commission of the Philippines.

“It is but right and proper to honor the late Fernando Poe Junior for his invaluable contribution to the city and our culture. At the same time, we also recognize the historical and religious significance of the area,” dagdag ni Belmonte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.