Mayor Magalong, nais ni Pangulong Duterte na manatili bilang Tracing Czar

Positibo ang Malacañang na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili bilang Tracing Czar si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng sinabi ng alkalde na irrevocable ang kanyang pagbibitiw bilang Tracing Czar, maliban na lamang kung ang Pangulo mismo ang magsasabi sa kanya na manatili sa pwesto.

Ayon kay Secretary Roque, wala naman siyang ibang narinig mula kay Pangulong Duterte kung hindi mga papuri para kay Mayor Magalong, kaya tiwala siya na nais ng Pangulo na manatili ito sa pwesto.

Samantala, ayon naman kay National Task Force (NTF) Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., tutungo siya sa Baguio City ngayong linggo, upang personal na kausapin ang alkalde na manatili bilang Tracing Czar, lalo at malaki aniya ang papel at tulong nito sa efforts ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.