Mayor Sara Duterte kay Robredo: “Wag magpayo kung wala kang alam” sa COVID-19 cases sa Davao

Sinabihan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Lunes, si Vice President Leni Robredo na iwasan ang pagbibigay ng “advice if she knows nothing about what is happening on the ground.”

Ang komento ay matapos sabihin ni Robredo na nakaaalarma ang kaso ng COVID-19 cases sa mismong hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit pa ng alklade ng Davao ay ‘wag nang isama ni Robredo ang “COVID-19 surge in Davao City in her attempt at politicking.”

“This has been the hallmark of her term as VP, where she puts forth comments on matters and affairs she lacks understanding and knowledge on and does not offer anything helpful to solve a problem,” ani Duterte-Carpio sa isang pahayag.

“There will be a proper time to attack my performance as an LCE (local chief executive) in this pandemic if she dares to run for President.”

Nauna nang pinayuhan ni Robredo, sa kanyang lingguhang radio show, ang Davao City na maaring matuto ito sa ginawa ng Cebu City na nakontrol ang COVID-19 surge.

“Makakatulong na tingnan kung anong ginawa sa Cebu. Kasi kung titingnan mo ngayon na nagsaspike na, sa Cebu parang controlled, ‘di ba? Parang controlled and marami ang ginawa—ang partnership doon, hindi lang talaga LGU (local government unit) pero very active doon ang medical community,” giit niya.

“In fact noong pumunta kami, nakatrabaho talaga namin ang medical community, very, very active sila doon. So tingin ko ang mga lessons sa Cebu, ganoon din. Makakapulot ng aral ang Davao.”

Bukod sa Davao, binanggit din ng bise ang Bacolod City, Dumaguete, Tacloban, Iloilo, at Butuan na mga lugar na may lumamalang coronavirus infections.

Iginiit din naman ni Duterte-Carpio, na si Robredo “should not attack the medical community of Davao City as being inactive when they have been silently suffering and working tirelessly to help save lives since March of last year.”

“She should open her eyes to the surge of cases in localities all around the world and she might be able to say that a surge in cases where 85% of the cases are asymptomatic is primarily identified by aggressive testing, coupled with tracing and isolation/quarantining,” dagdag pa ng presidential daughter.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.