Mayor Sara Duterte, kukunsultahin ang mga tao hinggil sa posibleng pagtakbo nito sa 2022 National Elections

Kukunsultahin muna umano ni Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang lahat ng mga tao kung sang-ayon ba sila kung tatakbo siya sa mataas na posisyon sa 2022 National Elections.

Sa programa ng alkalde sa Davao City Disaster Radio, inihayag nito na nais lang niyang makuha ang saloobin ng mga tao sa naturang usapin.

Inilahad din ni Duterte ang naging dayalogo nito kay Cebu Governor Gwen Garcia sa nakalipas na weekend, ay paghihingi lang muna ng permiso para makipag-usap sa mga tao sa kanilang probinsya.

Sinabi nito na susubukan niyang kausapin ang mga tao sa mga natitirang oras bago ang filing ng Certificate of Candidacy ngayong Oktubre.

Aminado si Duterte na maaaring kulangin ang oras nito dahil nakikihati rin ang trabaho nito bilang leader ng lungsod na kasalukuyang humaharap sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.