Mayor Sara Duterte, nadismaya sa Otso Diretso sa pagiging obsessed sa debate: Wag nila ako utusan!

Dismayado si Davao City Mayor Sara Duterte at Hugpong ng Pagbabago Chairman sa pag-uutos umano sa kanya ng ilang taga-Otso Diretso na mag-organize ng debate para sa mga kandidato.

Inilarawan ni Duterte ang mga kandidato ng kalabang partido na ‘depressing’ at ‘black hole’ umano ang mga ito.

“They are very depressing, dark and disorganized,” ani ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kanyang binuweltahan ang pambato ng oposisyon matapos ituran ng isa sa senatorial bet ng Otso Diretso na magpadala ang Hugpong ng representative para sa isang debate.

“Bara-bara. Very unprofessional and then ngayon uutusan ako? I am the chairman of HNP tas gagawin akong secretary nung grupo na merong obsessive disorder or fixation sa debate,” aniya pa.

Dumulog ang Otso Diretso senatorial bet sa Commission on Elections para humiling ng isang pormal na debate. Personal na nagtungo sina Romulo Macalintal, Gary Alejano, Samira Gutoc, at Florin Hilbay sa opisina ng Comelec para ipasa ang letter.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.