Mayor Sara Duterte, nais na huwag isali ang martial law sa Davao City

Susulat di-umano si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte para imungkahi na huwag nang isali ang lungsod sa implementasyon ng martial law sa Mindanao.

Sa panayam sa mayora kahapon, sinabi nito na ang naturang mungkahi ay mula sa tanong ng mga dumalong ambassadors sa Davao Investment Conference.

Sinabi ni Mayor Sara na madalas ang martial law ang nagiging dahilan kung bakit nagpapalabas ng Travel Order sa Mindanao dahil sa implementasyon ng martial law.

Ayon sa kanya na pwede namang ipatupad ang naturang proklamasyon sa mga lugar na unstable ang peace and security situation sa Mindanao.

Dagdag nito na di naman lahat ng lungsod at probinsya sa Mindanao ay mayroong problema sa seguridad gaya ng Davao City.

Sinabi pa nito na kung pagbibigyan ito ng Pangulo tataas ang posibilidad na dadami ang mga dayuhan na pupunta sa lungsod para mamasyal at maaari na ring mamuhunan. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.