Mayor Sara Duterte, nanawagan na huwag magpaloko sa kumakalat na campaign fund raising nito sa 2022

Nananawagan si Davao City Mayor Sara Duterte sa publiko na huwag maniwala sa sinumang indibidwal na nanghihingi ng pera na umano’y campaign fund para sa opisyal na gagamitin sa pagtakbo bilang presidente sa 2022.

Ayon sa alkalde, nakarating sa opisina nito ang nasabing impormasyon na umano’y hinihingan ang mga organisyon at maging mga negosyante ng pera para sa darating na halalan.

Iginiit ng opisyal na ito ay malinaw na panloloko lamang dahil wala umano itong pinahihintulutang gumawa ng campaign fund raising activity.

Nakiusap naman ito sa publiko na agad i-report sa pinakamalapit na police station ang nasabing aktibidad.

Una nang sinabi ni Mayor Inday na wala itong planong tumakbo bilang presidente sa 2022 kahit pa man nangunguna ang alkalde sa isinagawang presidential bets survey ng Pulse Asia.

Bagkos nakiusap pa ito sa mga survey organizations na tanggalin ang pangalan nito sa mga pinagpipilian dahil wala umano itong plano para sa nasabing posisyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.