Mayor Sara Duterte, nanguna sa presidential survey ng Pulse Asia

Isang araw bago magpalit ang taon, nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga presidential preference ng mga respondent na ginawa ng Pulse Asia.

Nakakuha ng 26 percent si Mayor Sara Duterte at pumangalawa sina Senator Grace Poe at dating Senator Ferdinand Bongbong Marcos na kapwa mayroong 14 percent.

Nakuha naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang ikatlong pwesto na may 12 percent, habang 10 percent si Peoples Champ at Senator Manny Pacquiao na may 10 percent.

Nasa pang limang pwesto si Vice President Leni Robredo na may 8 percent, habang kapwa 4 percent ang nakuha nina Senator Panfilo Lacson at Senator Bong Go, pangatlo si Taguig Pateros Representative Alan Peter Cayetano, 0.3 percent si Sen. Richard Gordon, at 0.1 percent si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Ginawa ang survey mula November 23 hanggang December 2, 2020.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.