Mayor Sara Duterte sa kapulisan, hulihin ang mga lasing na drayber sa kalsada

Davao City Mayor Inday Sara Duterte

Ipinag-utos ni Mayor Sara Duterte sa Davao City Police Office (DCPO) na paigtingin ang panghuhuli ng mga lasing na drayber sa kalsada.

Sa panayam kay Mayor Sara nitong Lunes, sinabi nito na gusto niyang palakasin ng local police ang kanilang operasyon dahil isa ito sa kampanya ng national government para makaiwas na rin sa mga disgrasya sa daan.

Ayon sa mayora na kailangan na nilang makipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO) 11, para sa kanilang guidelines, lalo na sa paggamit ng breathalyser na ibibigay sa police na manghuhuli.

Bilang suporta na rin, nagbigay ito ng 20 motorsiklo at ang 12 nito ay ilalaan para sa Anti-Drunk and Drugged driving operations.

Bawat motorsiklo ay nagkakahalaga ng P645,000 o sobrang P12 milyon ang kabuuang halaga ng 20 units na ibinigay nito.

Nagpaalala din si Mayor Sara sa mga enforcer, na huwag magpadala sa mga suhol ng mga nahuhuling drivers, at sinabi nito na dodoblehin ng city hall ang anumang halaga na isusuhol sa kanila. (RPD)

Facebook Comments

1 thought on “Mayor Sara Duterte sa kapulisan, hulihin ang mga lasing na drayber sa kalsada

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.