Mayor Sara Duterte, siniguro na kontrolado pa rin ang sitwasyon

Patuloy pa rin ang search and rescue operation sa loob ng gumuhong gusali ng Ecoland 4000 sa Davao City, matapos yanigin ng 6.5 na  lindol kahapon ng umaga.

Image result for ecoland  sa davao"

Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) operations head Rodrigo Bustillo, na patuloy pa rin nilang sinusuyod ang gumuhong Himeji Building ng naturang condominium.

Image result for ecoland  sa davao"

Inihayag din ni Bustillo, na hindi nila isinasantabi na meron pang tao sa loob ng bumagsak na gusali kaya puspusan ang kanilang paghahanap.

Ayon sa opisyal, na sa paglilibot ng K9 unit ng Urban Search and Rescue Unit ng Central 911, may binabalikan na lugar ang kanilang aso na tila may naamoy.

Sa patuloy nilang pag-iikot, tila may sumasagot mula sa naturang gusali.

Ginamitan na rin nila ng Life Detecting Apparatus ang kanilang operasyon para kumpirmahin ang mga senyales na nakita.

Siniguro naman ni Mayor Sara Duterte, na kontrolado pa rin ang sitwasyon sa lungsod sa kabila ng pagyanig.

Sa isang briefing, sinabi ng alkalde, na nakatutok ang lahat ng mga rescue unit sa lungsod para bantayan ang mga posibleng mga damages na dulot ng lindol.

Sinusuri na rin ang lahat ng tulay, pati na rin ang mga daanan para masiguro na ligtas itong gamitin ng mga motorista.

Hinimok din nito ang mga may-ari ng mga malls at mga pribadong gusali, na ipasuri sa kanilang structural engineers para masiguro na ligtas pa itong puntahan ng publiko.

Umapela naman ito sa pribadong sektor na may gagawing aktibidad na ikansela na muna ito para sa kaligtasan ng mga tao.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.