Mayor Sara Duterte, walang panahon para pag-usapan ang politika sa kinakaharap na Covid-19 krisis ng bansa

Hindi umano ngayon ang tamang panahon para pag-usapan ang 2022 Presidential Election habang nahaharap pa ang bansa sa krisis dulot ng pandemya ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang naging tugon ni Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte nang hingian ito ng pahayag hinggil sa sinabi ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag na lang itong tumakbo bilang mataas na lider ng bansa dahil sa hirap na papasanin nito.

Sinabi ng alkalde sa panayam nito sa 88.7 Davao City Disaster Radio na nakatutok pa siya sa pakikipaglaban sa COVID-19 at wala siyang panahon na sagutin ang anumang may kinalaman sa politika.

Maaalalang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa pagbisita nito sa Kuta General Teodulfo Bautista Headquarters sa Jolo, Sulu noong Lunes na pinaalalahanan niya umano ang anak sa hirap at bigat ng responsibilidad na papasanin ng isang pangulo.

Pero, ayon sa Pangulo, kung mayroon itong nakikitang paraan paano pagsilbihan ang bansa pwede namang ikonsidera pero nilinaw nito na dapat ang desisyong pagtakbo nito ay hindil lang dahil sa ambisyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.