Mayor Sara, patuloy na hinihimok na tumakbo sa pagka Pangulo sa 2022

Kinumpirma ni ACT-CIS Partylist Representative Eric Yap, na hanggang ngayon ay hinihimok pa rin ng Hugpong Para kay Sara (HPS) si Davao City Mayor Sara Duterte, na tumakbong Pangulo sa 2022.

Ang HPS ay isang people’s movement na binuo para kay Mayor Sara, upang hikayatin siyang kumandidatong Presidente sa susunod na halalan.

Paliwanag ni Yap, hindi pa makadesisyon ang presidential daughter, dahil marami pa raw itong dapat ikonsidera gaya na lamang ng kanyang pamilya, sitwasyon sa Davao City, at ang COVID-19 pandemic.

Ipinapaliwanag naman aniya ng HPS sa alkalde, kung bakit kailangan niyang sumabak sa pampanguluhang halalan at kung bakit siya kailangan ng Pilipinas.

Nauna nang sinabi ng Malakanyang, na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi siya tatakbong Vice President kung ang kanyang anak na si Mayor Sara ay kakandidatong Pangulo. 

Samantala, welcome naman para kay Yap ang posibleng pagtakbo ni Pangulong Duterte na Vice President sa 2022 elections, lalo na at maganda naman ang performance at trabaho sa kanyang termino.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.