Mayor Sara, posibleng maging bahagi ng 2022 presidential race – Sec. Panelo

Sa kabila ng hindi pagpabor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte sa presidential bid sa taong 2022, sinabi ngayon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kung nais talaga ng taumbayan ang kanyang pagtagkbo ay posibleng magbago ang isip nito.

Ginawa ni Panelo ang pahayag na ito, makaraang sabihin ni Vice President Leni Robredo na lahat ay posible kaugnay sa kanyang presidential bid sa susunod na eleksyon.

Ayon kay Panelo, kung ngayon gagawin ang eleksyon, tiyak na mananalo ang Davao mayor dahil halos lahat ng Pilipino ay nais siyang tumakbo.

Tulad aniya nina dating Pangulong Diosdado Macapagal at Cory Aquino, posible rin na magkaroon ng anak na magiging presidente si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na una na ring sinabi ng Davao mayor na pag-iisipan niya hanggang sa susunod na taon ang desisyon sa presidential race para sa 2022.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.