MECQ, Mga health care front-liners, government workers libre sa Pasig River Ferry

Libreng makasasakay sa Pasig River Ferry Service (PRFS) ngayong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila ang mga Medical frontliners at government employees, ayon sa the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sarado naman para sa publiko ang PRFS kasunod ng suspensyon ng pampublikong sasakyan sa ilalim ng MECQ at tanging papayagan lang makasakay ang mga frontliners, ayon sa MMDA.

“Starting Tuesday, August 4, the operations of the PRFS will only be limited to health care front-liners and government employees in support of their need for transportation,” anang MMDA.

Maaring makasakay ng libre sa mga istasyon sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Guadalupe, Valenzuela, Lawton, at Escolta.

“The ferry boat trip routes are as follows: Pinagbuhatan to Guadalupe, Guadalupe to Escolta and vice versa, and Guadalupe to San Joaquin and vice versa.”

Para naman maka-avail sa serbisyo kailangan lamang magpresenta ng ID ang mga health workers sa loob ng operating hours nito mula Lunes hanggang Sabado, 6 a.m. hanggang 6 p.m.

Magpatutupad ang PRFS ng “no mask, no entry,” physical distancing, temperature test, at lilimitahan namang ang kapasidad ng ferry sa 50 porsyento.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.