Medical Findings ng Pangulong Duterte, ilalabas ng Palasyo

Tiniyak ng Malacañang na wala itong itatago sa tunay na kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng iniindang sakit sa kanyang balakang.

watch the video here:

Kasunod ito ng pagkakaaksidente ng Chief Executive sa motorsiklo noong isang linggo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, ipapaalam ng Pangulo sa publiko ang resulta o findings ng kanyang gagawing pagkonsulta sa doktor ngayong araw na ito.

Napaaga ang uwi ng Pangulo mula sa Japan, dahil na rin sa sakit na iniinda sa gulugod malapit sa balakang na kanyang ipapatingin sa neurologist.

Alas-10:33 kagabi dumating ang Presidente sa Villamor Airbase, pero dumiretso pa ito sa burol ni dating Senador Nene Pimentel sa Heritage Park sa Taguig City, kasama si Senador Bong Go.

Matatandaang sumemplang sa motorsiklo ang Punong Ehekutibo nuong isang linggo at tumanggi itong magpatingin sa doktor matapos na maaksidente.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.