Mensahe ni PRRD sa Bagong Taon, bagong panimula at pag-asa para sa mga Pilipino

Isang bagong panimula at pag-asa para sa mga Pilipino ang araw na ito bilang simula ng Bagong Taon.

Ito ang nilalaman ng New Year’s message ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsabing bagamat dumaan sa matinding pagsubok ang lahat ng nakaraang 2020 ay may rason pa din para makapagpasalamat gayung nalampasan din naman ng marami ang dagok na idinulot ng nagdaang taon dahil sa pandemya.

Bagamat maraming buhay ang nawala gayundin ng ikabubuhay dahil sa pandemya, marami naman ayon sa Pangulo ang ating natutunan at isa dito ang pagtingin sa kapakanan ng ating kapwa.

Ngayong nabigyan aniya muli sila ng pagkakataong makapanungkulan sa panibagong taon, sinabi ng Pangulo na isang magandang oportunidad ito upang maipadama ang tunay na malasakit at serbisyo sa mga tao.

Sa huli ay sinabi ng Chief Executive na may naghihintay na mas malinaw na bukas para sa mga Pilipino at naniniwala siyang ito’y dahil na din sa hindi matatawarang Filipino spirit ng ating mga kababayan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.