Mensahe ni VP Leni: Alalahanin ang Martial Law; historical revisionism, tutulan ang mga kasinungalingan

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga Filipino na tutulan ang historical revisionism kasabay ang paggunita sa ika-48 na anibersaryo ng Martial Law.

“In a time when divisiveness is the norm and the gaps in society continue to widen, it is essential that we strive to find more spaces of commonality,” saad ni Robredo.

“We do this by telling our stories, and by asserting the truths that bind us together as one people, with one history: Maraming pinahirapan, naglaho, at pinatay noong martial law; lumobo ang utang ng bayan na binabayaran natin hanggang sa ngayon; lumalim at lumawak ang kahirapan. Dinurog ang mga institusyong haligi ng lipunan. Naging bahagi ng diwa ng pamamahala ang korupsyon at pang-aabuso,” dagdag pa ng bise.

Ayon pa kay Robredo na ang tungkulin ng mga Filipino ay tutulan ang mga kasinungalingan at patuloy na ipaalala ang mga naganap noong panahon ng martial law sa mga susunod na henerasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.