Metro Manila mayors, suportado ang “No vaccine, No MGCQ” decision ni Pangulong Duterte

Pabor ang mga alkalde sa Metro Manila sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag munang ipatupad ang Modified General Community Quarantine (MGCQ) hangga’t hindi sinisimulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, sa simula pa lamang ay ipinunto na ng Metro Manila mayors na tatalima sila sa karunungan at pasya ng Pangulo.

Kaisa aniya ang local chief executives sa pagsusumikap na malabanan ang COVID-19 pandemic.

Una rito, sinabi ni Abalos noong nakaraang linggo na mayorya ng National capital Region (NCR) mayors ang sumuporta sa pagluluwag ng quarantine restrictions patungong MGCQ para buhayin ang ekonomiya.

Pero iginiit ng chairman ng Metro Manila Council (MMC) na si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na hindi nila papayagan ang pagbabalik ng face-to-face classes hangga’t hindi nababakunahan ang mamamayan.

Samantala, wala pang pahayag ang Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa “No vaccine, No MGCQ” wisdom ng Punong Ehekutibo na makailang ulit na ring isinusulong ang pagluluwag ng quarantine status at adjustment ng age restriction.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.