Mga anomalya at kurapsyon sa Philhealth, iimbestigahan ng Senado

Inihahanda na ni Senator Panfilo Ping Lacson ang resolusyon  para sa gagawing inquiry sa mga bagong anomalya at korupsyon na naiulat sa loob ng Philhealth.

Ayon kay Senator Lacson, ito ang magiging pangunahing tatalakayin nila sa muling pagbubukas ng sesyon sa Lunes.

Aniya, aabot sa 1 bilyon na mga bagong kwestyonableng transactions ang naireport sa kanila mula sa Philhealth.

Sinabi rin ni Lacson na nagtiwala siya na matatapos na ang mga anomalya sa PhilHealth matapos ang nagdaang senate inquiry at pagtatalaga kay Ricardo Morales bilang bagong presidente ng ahensiya.

Matatandaan naman na noong nakarang buwan ay kinastigo ni Presidential Spokesperson Harry Roaue si Morales dahil sa pagpapabaya nito sa korupsyon na hanggang ngayon ay wala pang napaparusahan.

Sa ngayon naman ay gumagawa na ng draft ng resolusyon si Lacson para sa gagawing Senate Probe hinggil sa panibagong anomalya sa Philhealth.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.