Mga Anti-NPA tarpaulin sa Maynila, pinalilinis ni Yorme

Ipinatatanggal na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga tarpaulin kung saan nakasaad ang “Ang teroristang CPP-NPA-NDF ay persona non-grata sa Metro Manila.”

Ito ay matapos magsulputan ang mga naturang tarpaulin sa iba’t ibang lugar sa Maynila gaya sa Roxas Boulevard at Mendiola.

Paliwanag ni Yorme, mainam na “spread love, not hate” lalo’t nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic.

Mabuti rin aniya na magkaisa muna ang lahat ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya.

Nauna nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan na ang National Task Force-End Local Communism Armed Conflict ang nasa likod ng mga tarpaulin na anti-CPP-NPA-NDF.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.