Mga barangay na “cleared” mula sa NPA, tatanggap ng P16.44 na bilyong piso

822 na mga barangay na dating New People’s Army infested areas, ang tatanggap ng P16.44 billion, na ilalaan ng gobyerno para sa Barangay Development Program.

Ayon kay National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr., sa ilalim ng programa ang bawat barangay ay tatanggap ng 20 milyong piso para sa mga development projects.

Ito ay binubuo ng 12 milyong piso para sa eight kilometer farm to market road, 3 milyon para sa school building, 2 milyon para sa water works at small irrigation projects, 1.5 milyon para sa health station, at 1.5 milyon para sa National Greening Program o forest protection.

Ang mga barangay na mabibiyayaan ay mula sa Cordillera, Region 1, Region 2, Region 3 hanggang sa Region 13, na idineklarang “insurgency free”

Sinabi ni Esperon, kailangang tutukan ng pamahalaan ang mga nasabing barangays lalo na sa pagbibigay ng mga development projects ng sa gayon hindi na muling maimpluwensiyahan ng komunistang rebelde.

Sinabi ni Esperon na ang barangay chairman, mayor at governor ang siyang magpapatupad ng mga nasabing mga proyekto.

Umaasa ang kalihim na maaprubahan na ng Kongreso ang pondo para dito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.